Friday, 22 May 2020

Ang patuloy na pagbagsak ni Mystica: Patong patong na kaso

Pormal ng nagfile ng kaso si Arnel Igancio noong May 22, 2020 laban sa dating singer at artista na si Mystica sa Imus  City's prosecutors office sa lalawigan ng Cavite dahil sa pagmumura nito sa Pangulo.

Ang mga kasong isinampa kay Mystica ay ang mga sumusunod:

1. Inciting to sedition

2.  Cyber libel

3.  Violation sa bayanihan to heal as one act

Sa facebook page ay sinabi ni Arnell Ignacio na "Kapag seryoso ang issue e file na ako ng case. Hindi talakan lang sa FB. Hindi mo puede mura-murahin si presidente nang ganun-ganun lang at aatungal ka pagkatapos. Mas malala, nagyaya ka pa na pabagsakin ang gobyerno imbis na tumulong ka na lang. Yung pagmumura mo naman e parang PERSONAL ang kasalanan sa iyo, e. Kahit man lang sana sa edad nung tao e binigay mo na kahit katiting na paggalang.”

 Ayon din kay Arnell Ignacio, kaya nagtatalak si Mystica ay para makakuha ng madaming likes at followers.

Matatandaang  naglabas ng saloobin si Mystica at umani ito ng matitinding pambabatikos sa mga Duterte suporters at paupuri naman sa mga Anti Duterte suportes. Sabi nya:

"I am challenging the President! Siya ang i-home quarantine. Wag siyang palabasin at wag siyang bigyan ng pagkain at inumin. Tingnan natin kung ano ngayon ang magiging kahihinatnan niya…"

 Subalit makaraan ang ilang araw ay humingi ang dating cast ng probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin ng paumanhin sa Pangulo.

“Ako talaga ay taga-suporta ng President… Alam ko na ang President natin may puso yan… Kung ako man ay nakapagmura, and I repeated it again, dahil sa parang ako rin ay isang anak ng isang ama. Kasi from the start, tinuring ko na siyang ama,” the celebrity stressed.

“I’m sure naman na mapapatawad ako ni Presidente dahil alam niya na ang isang tao kapag frustrated, masasabi niya lahat… And bilang anak, alam ko na hindi tama yun…” dagdag pa niya.

Si Mystica o Ruby Rose Villanueva sa totoonf buhay ay isang Filipina Showbiz personality. Sya ay tinaguriang "SPLIT QUEEN" dahil sa pagsplit nito sa stage sa tuwing sya ay nagperperform.

Napabalita na si Mystica ay mga properties sa US at maging sa Pilipinas subalit ang lahat ay nawala  at ayon sa report pinasok din ni Mystica and pagbebenta ng fried Chicken para mabuhay. Nung kasagsagan ng career ni MYstica sa entertainment industry ay binalita sa Showbiz Central na sya ay may mansion sa America. Sinabi niyang may mansion sya sa Georgia at Los Angeles, meron din syang luxury cars. Totoong nabuhay sa karangyaan si Mystica at nagtayo pa nga ang dating aktres ng sariling banda.

Ano nga ba ang nangyari kay Mystica? Nasaan na ang mga properties niya? Nassan na ang mga mansion at luxury cars niya sa America at Pilipinas?

 Ayon sa report, nawala ang kanyang mga properties dahil sa kanyang di magndang desisyon. Kung kaya ngayon ay nagpipilit sya na muling makabalik sa showbiz na nagbigay sa kanya ng marangyang pamumuhay.

Ang pag-iingay nya kaya sa social Media at pagmumura sa Pangulo ang magbabalik sa kanya sa dating ningning?

 Sa aking palagay at opinyon ay mali kung ito man ang kanyang way para makabalik dahil si Pangulonh Duterte ay mahal ng mga Pilipino at binoto ng 16 Million na mga Pilipino. Wala ni isa mang celebrity sa Pilipinas ang mayroon 16M na social media following.

Kung ako si Mystica, dapat sa halip na si duterte ang minura niya ay yung mga kalaban na lang Pangulo tyak magkakaroon sya ng mdaming Supporters tulad ni Mocha Uson.

 

 

 


Monday, 18 May 2020

HB6732: ANG PAGLUBOG NG POLITICAL CAREER NI ALLAN PETER CAYETANO

Matapos na ipasa ni  Speaker Allan Cayetano and Housebill  6732 kung saan naglalayon na payagang makapag-operate ang ABS-CBN kahit paso na ang prangkisa nito hanggang Oktubre ngayon taon sa isinagwang pagdinig ng Kongreso nung Mayo 13, 2020 sa unang pagdinig nito.

Umani ng matinding batikos si Speaker Allan Cayetano at hindi ito nagustuhan ng mga taong sumusuporta sa pagsara ng ABS-CBN. Tinawag na balimbing, ahas, dilawan at kung ano-anong mga maaanghang na salita ang binitawan ng mga Netizens sa kanyang facebook page comment section.

Ayon sa isang netizen: " Why do I feel that somehow he is trying to say that Congress  can distort the law according to its preference. The franchise is a privilege not a right! Obey the law. Freedom of the press is still in the Philippines without ABS-CBN. Do some legal remedies, not calling the sympathy of the public.

Nakatanggap naman ng papuri si Speaker Allan Cayetano mula sa mga taong sumusuporta sa ABS-CBN.Ang ginawang ito ni Speaker Cayetano ay nagbigay ng pag-asa sa mga supporters ng ABS-CBN.

Sa isang interview ni Speaker Cayetano kay Ted Failon sinabi ni Speaker Cayetano na sasama daw sya sa ABS-CBN na magrally kung mag-ooff the air ang ABS-CBN at sincere daw sya dito. Nagsinungaling daw ang NTC at tinakot ni Solicitor general Calida ang NTC kung kaya napilitan ang NTC  na hindi mag-issue ng provisional franchise para sa ABS-CBN.

Ayon naman kay Atty Larry Gadon ay magresign na lang daw si Speaker Cayetano dahil labag sa Constitution ang ginawa ni Speaker Cayetano at ito naman ay sinuportahan ng mga netizens na gigil na gigil sa ginawa ng Speaker.

Ayon naman kay Former Senator Chiz Escudero ay hindi rin sang-ayon sa naging desisyon ni Speaker Cayetano dahil ayon sa ilalim ng public service act, meron tayong parity clause sa mga prangkisang binibigay, kung 25 years ang binigay na prangkisa sa istasyon,dapat 25 years din sa iba.

Matapos ang ginawang ito ni Speaker Cayetano ay nagsilabasan ang mga video nito kung saan ay nangampanya sya sa ilalim ng partido ni Former president Noynoy Aquino ksama sina Bam Aquino at Antonio Trillanes. Tinawag ng mga netizen si Cayetano na Balimbing.

Samantala sa ikalawang pagdinig ng House of Representative sa prangkisa ng ABS-CBN is nirecall ng house ang naging una nitong desisyon na bigyan ng provisional franchise hanggang  Oct 2020 ang ABS-CBN. 

Let me make this of record, Mr Speaker, that at any time, the House can approve this bill, House Bill 6732 on 3rd reading, but because of the insistence of our colleagues to interpellate further on the matter, I move that we reconsider our approval on 2nd reading of HB 6732," banggit ni Representative Palma

But Section 26(2), Article VI of the 1987 Constitution states: "No bill passed by either House shall become a law unless it has passed 3 readings on separate days, and printed copies thereof in its final form have been distributed to its members 3 days before its passage," except when the President certifies the bill as urgent.

Ito na kaya ang simula ng pagbagsak ng political career ni Speaker Cayetano kung sakaling muli syang tumakbo sa susunod na Presidential Election? Ano ang inyong palagay? Wag kalimutang magkomento



Friday, 1 May 2020

Malaki ang maitutulong ng POGO para sa pangangailan ng Bansa sa Covid-19



































Ang POGO o ang tintawag na Philippine Offshore Gaming Operators ay isang online na pasugalan na ang mga manlalaro ay sa ibang bansa. Para makapag-operate ay kailangan ng legal na lisensya na magmumula sa PAGCOR o ang Philippine Amusement and Gaming Corporation. Nagsimulang mag-operate ang POGO sa Pilipinas noong 2015 kung kelan si Pangulong Noyoy Aquino pa ang Presidente ng Pilipinas.

Ang POGO ay isang income-generating at no cost with the Government. Ito ay isang BPO o Business Process Outsourcing na tulad din ng call center industry sa Pilipinas. Sa kasalukuyan ay merong 31,500 plus na mga Pilipinong nagtatrabaho sa POGO na nag-gegenerate ng 225 Million pesos monthly income.








Halos ay umabot ng 26.5 billion pesos ang naibigay sa Gobyerno para sa COVID-19 ng PAGCOR na kinita mula sa POGO. Matatandaang naglaan ang Gobyerno ng 270 + bilyong piso para isuporta sa lockdown bunga ng Covid-19 pandemic. Ang Gobyerno ay nangangailangan ng pondo ngayon dahil ang pagkolekta ng tax ay bumaba dahil sa Covid-19 at dahil dito, ang POGO ang isang pinakamagandang opsyon para makakuha ng pondo ang Gobyerno.

Samantala ang pagubukas ng POGO sa gitna ng Lockdown ay tinutulan ni Vice President Leni Robredo.

"Alam natin na maraming katiwalian, malaki iyong social costs sa 'tin dahil sa proliferation ng POGO," she told CNN Philippines."Parang panget na mensahe na sila pa ang uunahing payagang bumukas kaysa sa mga negosyo na nag-e-employ ng mga Pilipino... Kung binabawalan natin iyong mga para sa Pilipino bakit bibigyan sila ng parang privilege na magbukas?"



Sa mga talumpati ni President Duterte, sinabi nyang legal ang POGO at wala itong nilalabag na batas at ito ay ayon din naman kay Sec Panelo. May mga illegal POGO operators at sila ay iniimbestigahan na ng mga Deapartamento ng Gobyerno na dapat mag-imbestiga.


Samantala nrito ang mga revenues ng Gobyerno na nakuha sa POGO.
2015 - 56 million Pesos
2016 - 72 million Pesos
2017 - 3.2 Billion Pesos
2018 - 6.11 Billion Pesos
2019 - 5.73 Billion Pesos at 18 Billion Pesos Franchise Application Regulatory Fees.