Habang namamayagpag pa ng husto si Mayor Isko sa Industriya ng Politika at maging sa pagiging Mayor ng Maynila na sa kanya ay isa ng napakahalagang posisyon na kanyang naabot. Nanalo si Isko sa pagkamayor ng syudad ng Maynila laban sa dating Mayor Erap Estrada na dati ding Pangulo ng Pilipinas.
Ngayon pa lang ay napakarami ng tao ang nagsasabi na marahil ay isa sya sa magiging Pangulo ng Pilipinas hindi man sa susunod na Presidential Election kundi sa mga susunod na Eleksyon. Subalit kung anuman ang maaring kanyang magiging kapalaran, nakatanim na sa utak ng madaming Pilipino na sya ay isang potential president.
Si Isko Moreno ay nagmula sa isang mahirap na pamilya, katunayan nito ay nangangalakal sya ng basura nung bata pa upang ipantustos sa pangangailangan ng pamilya. Pinasok din nia ang pangunguha ng tira-tirang pagkain sa mga basurahan ng restoran at ito naman ay lulutuin ng kanyang ina. Ang pagiging mahirap nya ay hindi bunga ng pagtangkilik ng media kundi ito ay isang katotohanan. Isa din sa nakadagdag puntos sa kanyang kasikatan sa ngayon ay ang pagiging artista niya at hindi lang basta artista kundi isa sa pinakaprominenteng artista sa Indusriya.
Hindi lang sya magaling na artista kundi ang kanyang karanasan sa politika. Nagsimula syang konsehal, Bise Mayor at ngayon ay Mayor. At hindi rin sya nagsimulang politiko na dala-dala ang pangalan ng kilalang politiko at wala man lang ni isang sikat na partido politikal ang sumuporta sa kanya.

No comments:
Post a Comment