Monday, 5 August 2019

Bakit Naging Matagumpay si Mayor Isko?

Pagkatapos magwagi bilang Mayor ng Maynila si Isko Moreno laban sa kanyang mahigpit na katunggali na si Erap Estrada ay umalingawngaw ang pangalan ni Isko Moreno hindi lang sa Maynila kundi halos sa buong Pilipinas maging ang mga OFW sa labas ng bansa.

Walang oras na di sinayang si Mayor Isko upang ipakita sa mga tao ang kanyang kakayanan sa pamumuno at paglaban sa mga katiwalian na matagal ng umiiral sa buong Maynila mga ilang dekada na din ang nakakraan.



Narito ang ilan sa mga mensahe ng mga mamayan na nakapapagpapataba ng puso:

"I admire your vision,and love what you do. God bless ,guide and protect you always ,in your daily challenging work"- Rosita Sweetman

"Thank you very much!!! Naa-awa kce ako sa mga senior citizens at mga babies na ini-inda na lang ang nakakarinding ingay ng mga SALOT na yan. Minsan pa....SALAMAT po. " - Nestoriuos Infinitus


"We loved and support Mayor Isko Moreno. IDOL PO NAMIN KAYO" - Aurora Escano

Ang ganito katinding init ng pagtanggap ng mga tao kay Mayor Isko ay isang pamantayan na naging hamon sa ilang politiko na tumbasan o higitan pa ang kasikatang tinatamasa ngayon ni Mayor Isko. Ngunit madami din naman ang nagsasabi na ito ay isang pakitang-tao lamang at hindi maglalaon ay babaliktad din ang mundo dahil sa uri ng Politika na meron sa Pilipinas.

Subalit nanindigan si Mayor Isko na hinikayat ang taong-bayan na patuloy na suportahan ang kanyang programa para sa Maynila.

AKSYON AGAD. Ito ang isa mga katangiang kelangan madama ng mga Pilipino. Yung ramdam mo na may aksyon agad lalo na nga sa mga matitinding issue. Matandaang pinaalis nya ang mga vendors sa mga bangketa bagaman may offer diuman sa kanya na 5 milyon araw-araw kapalit ng pagpapatuloy na operasyon ng mga vendors.

DATING MAHIRAP. Malaking factor ang pagiging dati nyang mahirap upang maramdaman ang tunay na hinaing ng mga mahihirap na Pilipino. Sabi ni Mayor :" Malas niyo lang kasi sanay na akong WALA". Kaya walang mawawala sa kanya. Sanay syang mahirap at di na nya kelangan ang marangyang pamumuhay dahil ang nais nya lang ay ang makapanilbihan sa bayan.

DETERMINASYON. Determinado si Mayor Isko na tupdin ang kanyang tungkuling higit pa sa kanyang kakayanan. Ganito kauhaw si Mayor, tulad ng isang usa na uhaw-uhaw sa tubig. Ang ganitong determinasyon ay nagpapakitang nais niyang ipahayag sa mundo ang pagbibigay ng PAG-ASA sa mga tao.

SOCIAL MEDIA. Ang Social Media na marahil ang isa pinakamabisang kasangkapan upang maipaabot sa mga tao ang mga mensaheng nais nyang iparating. Nakakabilib na ang kanyang PR Team ay nakapagbigay ng ingay sa bansa at ito naman ay kinagat ng mga tao. Nais ko sanang kumustahin ang PR Team ng mga Liberal Party? Ang panahon ngayon ay pagalingan ng PR Team. Sa aspetong ito ay jackpot si Mayor Isko.

TRADITIONAL/MASS MEDIA. Dahil sa ingay ni Mayor Isko ay nagbigay din ito sa mga malalaking TV & News station sa bansa upang icover ang bawat galaw nia. Kulang na nga lang ay pati pagbabanyo ni Mayor Isko ay sasamahan ng Camera.

POLITICAL BLOGGERS. Kung ang isang Blogger ay may 1 million followers, ang laki ng impact ng reach nito. Kaya't mahalagang makuha ang impluwensya ng mga Bloggers. Sa Pilipinas ay dalawa lang ang kulay ng mga Bloggers Dilaw at hindi Dilaw. Dahil kuha ni Isko ang dalawang kulay ng Bloggers ay panalo talaga sya. Hindi nya sinasagasaan ang Dilawan at ganun din ang DDS at kahit ang mga Marcos Loyalist ay suportado sya dahil sinabi nia na isa si Marcos sa kanyang mga Role Model.

PRESIDENT DUTERTE. Ilang araw bago ang SONA nung Hulyo 2019 ay pinaimplement ni Mayor Isko sa Maynila ang 1 day processing ng Business permit at sa SONA ng presidente ay binaggit niya ito na ipaimplement sa buong bansa.

Sa mga tinatamasang tagumpay na ito ni Mayor Isko ay masasabi nating hilaw pa dahil mahaba-haba pa ang panahong itatakbo ng kanyang karera at dahil POLITICS is POLITICS, anything can happen ika nga.

Sa palagay niyo, magpapatuloy ba ang Tagumpay ni Mayor Isko?



No comments:

Post a Comment