Madaming nagsasabi na isa si Mayor Isko Moreno sa potential candidate bilang Vice President or President ng administrasyon o ng oposisyon. Napakaaga pa para lutuin ito dahil ito ay magiging isang kritikal na sitwasyon sa Political career ni Mayor Isko kung ngayon pa lang ay magdedeklara na ng mga plano nia sa 2022 National Election.
Sa aking palagay ay mas kailangan pa ng Maynila si Yorme. Ang 3 taon ay hindi sapat upang linisin ang Maynila dahil sa sobrang dami ng problema nito. Isa sa maikukumpara natin na naging matagumpay sa pagiging Alkalde ay sina Presidente Duterte at dating Vice President Jejomar Binay. Silang dalawa ang masasabi nating pinakamatagumpay sa pamamalakad ng kanilang lungsod kung kaya sila ay hinangaan ng mga tao.
Si Jejomar Binay ay naging City Mayor ng Makati mula 1986 hanggang 1998 at nareelect sya nung 2001 hanggang 2010 bago sya naging Pangalawang Pangulo nung 2010. Samantala si Pangulong Duterte naman ay mahigit 20 taong naglingkod bilang Mayor sa Davao. Sa tagal ng panunungkulan nilang dalawa bilang Mayor ay madami silang nagawa at napatunayan. Bago sila lumusong sa National office ay talagang hinog na sila at malawak ang karanasan sa pamamalakad at koneksyon.
Ang Maynila ang capital city ng Pilipinas. 1.78M ang populasyon ng Maynila ayon sa datus noon 2016 at ang Maynila ang World's most densely populated city na may 42,857 per square kilometer o 111,002 people per square mile.his is all contained within an area of 42.88 square kilometers (16.56 square miles).
Kung magtatagumpay si Isko na magkaron ng magandang reputasyon ang Maynila tulad ng Makati o ng Davao City, makatitiyak tayong mahaba-haba pa ang ilalakbay ni Isko sa mundo ng Politika. Tulad ni Binay at Duterte, pahinog muna sya sa Maynila ng madaming taon hanggang sa maging handa na sya na hawakan ang Pilipinas. Kung magtutuloy-tuloy ang init ng pagtanggap ng tao hindi rin natin pwede balewalain ang kultura ng mga Pilipino sa pagluklok sa National Government. Isa sa halimbawa ay si Vice President leni Robredo, na naglingkod lang ng 3 taong bilang Congresswoman ng kanyang Distrito ay naging Pangalawang Pangulo agad. Hindi rin natin pwedeng balewalain ang nangyari kay Noynoy Aquino na matapos mamatay ang kanyang ina ay tinangkilik na sya ng buong bansa at hinalal pa ngang Pangulo ng Bansa.
Aling landas ang pipiliin ni Mayor Isko? Ang landas na hinog na natural o hinog sa kalburo o pilit? Ano ba dapat ang unang isaayos, ang Maynila ba o ang buong Pilipinas? Ito ang tanong na si Isko mismo ang makakasagot nito dahil ang Politika ay isang laro. Tandan, walang malakas na kandidato ang Oposisyon at ito ang isang oportunidad nila para lutuing pilit si Mayor Isko para muling makabalik ang oposisyon sa nawalang posisyon at tuluyan ng mapalaya si Senator Leila De Lima at maipakulong si Duterte tulad ng ginawa nila kay Gloria Arroyo.
Ano ang inyong opinyon? Mag-iwan ng komento sa baba.


No comments:
Post a Comment