
Sa malawakang operasyon na ito sa pag-alis ng mga vendors ay naging tanong na din ngayon kung paano na nga ba ang mga vendors? Ano ang mangyayari sa kanila? Ito ang mga tanong na tinugunan ng mga nakaraang Mayor ng Maynila. Mas pinaboran nila ang kumakalam na sikmura ng mga vendors kesa ang ipatupad ang batas. Subalit, lingid sa kaalaman ng lahat ay may sindikato pala na nagpapatakbo nito na matagal ng operasyon na di natitibag ng Gobyerno.
Sa aking palagay ay matagal ng alam ni Mayor Isko na merong "EDDIE at Patty" nun pa man nung sya ay konsehal pa lamang subalit wala syang pangil na ito ay sakmalin dahil sa kakulangan marahil ng suporta at politika. At sa loob halos ng mahabang panahon ng pamamayagpag nila Eddie at Patty ay natuldukan na din ito nang tuluyan ng magkaron ng ganap na kapangyarihan si Mayor Isko. Marahil ay matagal na syang gigil na ito ay masugpo at ngayon na nga ang tamang panahon.
Ang tanong, natuldukan na nga ba ang kwento nila Eddie at Patty? Dapat ba itong matuldukan ng ganun-ganun na lang nang walang kasong naisasampa sa hukuman? Ito ang malaking hamon na dapat ay harapin ni Mayor Isko, ang tanggalin ang maskara ng mga taong sumakmal ng malaking halaga mula sa mga vendors. Sa ngayon marahil ay sapat nang makita natin ang kalinisan at kaayusan sa Maynila. Ito ang premyo ng mga Manilenyo sa pagpupunyagi ni Mayor Isko. Ngunit ang instutusyon ni Eddie at Patty na nakinabang ng mahabang panahon ay dapat magbayad, hindi man ngayon, kundi sa mga susunod na araw, buwan, taon o di kaya ay tuluyan na itong makalimutan ng mga Pilipino.
Madaming hamon ang kinakaharap ng Maynila at tama si Mayor Isko ang Maynila ang mukha ng Pilipinas at ang mukhang ito ay nababalutan ng Maskara. Sa likod ng mga maskarang ito ay nakatago ang maraming "Eddie" at "Patty". Hindi lamang sa Maynila kundi sa alinmang bahagi ng Bansa. Hangga't sila ay malayang nakagagalaw at nakapangungulimbat ng salapi ay magtutuloy-tuloy ang kanilang pamamayagpag habang ang bayan ay lalong babaon sa pagkalugmok sa putikan.
Mag-iwan ng komento para sa inyong opinyon.
No comments:
Post a Comment