LGBQT - Stands for Lesbian, Gay, Bisexual, Queer and Transgender. Nung nakaraang araw ay naging isang usapin ang LGBQT sa Pilipinas dahil sa isang Transwoman na si Gretchen Diez ang pinaalis at kinaladkad diumano ng isang janitress mula sa comfort room patungo sa Security office ng Farmers Plaza Mall.
Nangyari ang insidente matapos na hindi pumayag ang janitress na pagamitin ng banyo ng mga babae si Gretchen. Bagay naman na ipinaglaban ni Gretchen dahil sa LGBQT act na ipinalabs ng Local Government na nagsusuporta na respetuhin ang karapatan ng mga myembro LGBTQ.
Hati ang opinyon ng mga tao. May mga nagsasabi na hindi dapat gumamit ang mga Trans sa banyo ng mga babae dahil lalaki pa din sila at hindi komportable ang ilang babae na may mga Trans na makasabay sa paggamit ng banyo samantalang ang ilan ay tanggap ito.
Hindi rin natin balewalain ang karapatan ng mga babae kung hindi talaga sila komportable dahil hindi naman ito suportadong direkta ng saligang batas. Sa aking palagay ay dapat na magkaron ng sariling banyo ang mga Trans para walang problema. Hindi pa naman kasi ganun katanggap ng mga Pilipino ang bagay na ito.
Maaaring sa ibang kultura ay tanggap ito subalit ang ating bansa ay nag-uumpisa pa lang na magpasa ng batas ukol sa karapatan ng tinatawag na third sex. Ang Pilipinas ay kilala bilang Christian country at biblically speaking, babae at lalaki lang ang kasariang nilikha ng Diyos. Subalit, pano naman nga silang myembro ng LGBQT? Ating alamin ang Kasaysayan LGBQT sa Pilipinas.
Ang Pilipinas ang isa sa mga bansang Pinaka-LGBQT friendy sa buong Asya at pangsampu sa buong mundo
Sa pagtalakay ng kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas, mababanggit ang mga babaylan noong ika-16 hanggang ika-17 siglo. Ang babaylan ay isang lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon at maihahalintulad sa mga sinaunang priestess at shaman.
Ang salitang babaylan ay sinasabing tumutukoy sa babae, mayroon ding lalaking babaylan – halimbawa ay ang mga asog sa Visayas noong ika-17 siglo - na hindi lamang nagbibihis-babae kundi nagbabalat-kayo ring babae upang ang kanilang mga panalangin umano ay pakinggan ng mga espiritu.
Ang mga lalaking ito, gayunman, ay hindi lamang nagsusuot ng kaugaliang kasuotan ng mga babae, ginagaya rin nila ang mismong kilos ng mga babae, sila rin ay pinagkakalooban ng panlipunang pagkilalang simboliko bilang “tila-babae.” Ilan din sa mga babaylang ito ay kasal sa lalaki, kung saan sila ay may relasyong seksuwal .
Dekada 60 ang pinaniniwalaang dekada kung kailan umusbong ang Philippine gay culture sa bansa. Sa mga panahong ito, maraming akda ang nailathala na tumatalakay sa homoseksuwalidad. Mababanggit ang mga akda nina Victor Gamboa at Henry Feenstra, Lee Sechrest at Luis Flores.
Sa Pilipinas, ang umiiral na mga konsepto tungkol sa LGBQT ay mula sa magkasamang impluwensiya ng international media at ng lokal na interpretasyon ng mga taong LGBQT na nakaranas mangibang-bansa. Sa mga huling bahagi ng dekada 80 at unang bahagi ng dekada 90, maraming pagsulong ang inilunsad na naging daan sa pag-usbong ng kamalayan ng Pilipinong LGBQT.
Maibibigay na halimbawa nito ang paglabas ng Ladlad, isang antolohiya ng panulat ng mga Pilipinong miyembro ng gay community na inedit nina Danton Remoto at J. Neil Garcia noong 1993. Maidaragdag din ang sinulat ni Margarita Go- Singco Holmes na A Different Love: Being Gay in the Philippines noong 1994.
Isang malaking yugto para sa lesbian activism sa Pilipinas ang naganap nang sumali ang di-kilalang samahan na Lesbian Collective sa martsa ng International Women’s Day noong Marso 1992. Ito ang kauna-unahang demonstrasyon na nilahukan ng isang organisadong sektor ng LGBT sa Pilipinas.
Ang dekada 90 ang pinaniniwalaang simula ng LGBQT movement sa Pilipinas. Itinatag ang ProGay Philippines noong 1993, ang Metropolitan Community Church noong 1992, at ang UP Babaylan (pinakamatandang organisasyon ng mga mag-aaral na LGBT sa UP) noong 1992. Ilang kilalang lesbian organization ang sumulpot noong dekada 90, gaya ng CLIC (Cannot Live in a Closet) at Lesbian Advocates Philippines (LeAP).
Unang partidong politikal na kumonsulta sa LGBQT community ang partidong Akbayan Citizen’s Action Party. Ang konsultasyong ito ang nagbigay-daan sa pagkakabuo ng unang LGBT lobby group – ang Lesbian and Gay Legislative Advocacy Network o LAGABLAB - noong 1999.
Noong Setyembre 21, 2003, itinatag ni Danton Remoto, propesor sa Ateneo de Manila University, ang political na partido na Ang Ladlad.
Sa simula, hindi pinayagan ng COMELEC ang Ang Ladlad na tumakbo sa halalan 2010 dahil sa basehang imoralidad. Subalit noong Abril 2010, ang partidong ito ay ganap nang pinaygan ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na sila ay lumahok sa halalan. Noong 2004 naman, ginanap sa Maynila ang ika-10 anibersaryo ng LGBQT pride sa Pilipinas bilang bahagi ng Gay Pride March. Ang pagdiriwang na ito ay dinaluhan ng mga indibidwal na kinikilala ang sarili bilang bahagi ng pamayanan ng LGBQT.
No comments:
Post a Comment