Ayon sa pag-aaral, ang bawat isang Pilipino ay gumugugol ng 16 na araw sa loob ng isang taon sa Traffic lang na nagkahahalaga ng halos 100,000.00 pisong nawawala sa kanilang kinikita.
Ayon din sa pag-aaral, halos ay umuubos din ng 24 minuto ang mga Pilipino para maghanap lang ng parking ang mga may sasakyan.
Sa rush hour sa Manila ang bilang ng mga sasakyan ay 1.75 na bilang higit sa kapasidad ng mga kalsada. At sa mga oras na ito ay halos gugugol ang bawat Pilipino ng 2-3 beses sa pagbyahe kumpara sa ibang oras.
Noong 2015, ang bilang ng mga sasakyan ay 8.7 Million at ayon sa huling datos nung 2018 ang kabuuang registered vehicles sa Pilipinas ay nasa 11.5 Million. Ang benta ng sasakyan ay umabot ng halos 417,356 noon 2016 at bumaba ito sa 412,803 noong 2018.
Nung August 18, 2019 ay nakasulat sa Philippine News Agency ang "No Garage, no Car Policy" subalit hindi pa ito malinaw sapagkat hindi naman ito naksaulat sa Republic Act 4136.
"Traffic in Metro Manila is already a "crisis situation", hence the need for drastic measures like "no garage, no car policy,"Traffic is caused by many factors like lack of infrastructure spending, we were left behind by other countries but the government right now under ‘Build, Build, Build’ is investing some PHP1.7 trillion for public infrastructure, and others. But I think the main cause of traffic is the volume of vehicles in Metro Manila”, Department of the Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya said in an interview at the Philippine News Agency's "Pros and Cons" program."
Hindi lang ang Pilipinas ang nakararanas ng ganitong sitwasyon, maging ang mga kalapit nating bansa tulad ng Thailand, Singapore, Vietnam at Hongkong ay nakararanas din ng ganiton problema.
Ang total na bilang ng Pamilya sa Pilipias noon 2015 ay 22.98 Million at Ang NCR ay meron 3.10 milyon. Kung ang bilang ng rehistradong sasakyan ay 11.5 Million, halos kalahati ng popuplasyon ayon sa bilang ng Pamilya ng Pilipinas ay meron sasakyan. Ayon sa datus, 47% ng mga household sa Pilipinas ay walang sasakyan samantalang 38% naman ay may isang sasakyan at 16% naman ang meron higit pa sa isang sasakyan. Ito ay batay sa Nielsson Global Survey of Automotive Demand. Ito ay isingawa mula August 14 at Setyembre 6, 2013.
Samantala nung 2017 ay naireport na halos 2.7 Milyon na mga sasakyan ang dumadaan sa EDSA. 66% ay mga kotse samantalang 11.4% ang mga taxi, bus, jeepney at UV's. Sa bilang na ito ay kitang-kita na ang dami ng kotse kumpara sa mga public vehicles.
Noong 2013, panahon ni Noynoy Aquino ay bumaba ang credit rating ng ating bansa mula sa 12% ay naging 4% ito at nagbunga ito pagbaba ng interes sa mga car loans kung kaya dumami ang nakaavail ng pagkuha ng mga car loans. Hanggang sa kasalukuyan ay maari ng makautang ang mga Pilipino ng sasakyan ng "zero downpayment" kung makakapasa sa credit investigation.
Ang paglaki ng populasyon, pagbaba ng downpayment, pagtaas ng bilang ng pribadong sasakyan, mababang interest sa car loans, ang kapasidad ng mga kalsada ng bilang ng sasakyang dumadaloy dito, ang rush hour, ang kakulang ng Metro Train at Rail Train, kakulanga ng subways, at iba pa, ang nagiging sanhi ng pagsikip ng trapiko sa Pilipinas.
Soluyson ba ang Emergency Powers Act? Ano ang inyong opinyon?
No comments:
Post a Comment