Wednesday, 14 August 2019

Isko Moreno Discusses Creek Development Plan to Imee Marcos

Tinanong ni Senator Imee Marcos si Mayor Isko Moreno kung ano ang medium at long term plans nito kaugnay sa mga apektadong mga vendors sa mga clearing operations na isinasagawa sa City of Manila. 

Binigyan diin din ng Senadora na pagkatapos ng clearing ay babalik din ulit ang mga vendors at ganito ang mangyayari nang paulit-ulit at mas marami pa nga ang panahon na nauubos ng mga Pulis at ng City of Manila Engineering Department sa pagclear sa mga tao mismo. At marami din ang nagrereklammo dahil ang mga lihitimong palengke tulad ng Quinta market ay mahal ang tinda kesa sa mga street vendors.



Mayor Isko Moreno: "We tried to accommodate as many as possible pero ako po personally hindi po ako yumayakap sa posteng di ko kaya talaga. I can only this much and the other should do the same for example... I hope our neighboring cities will not get offended.. pasensya na kayo. 

Some of these vendors are from Baclaran, some of these vendors are from Paranaque, some of these vendors are from Malabon. So naging minahan ng opportunity ang Recto so everybody wanted to go there but in our case kita niyo naman na hindi kami perfect yung nangyayari. Mapapansin niyo ang Recto, tingnan niyo yung bangketa, may tinda pa. Because what we are after is basically to clear the streets and let the people use the streets literal... non negotiable. 

So kung mapapansin niyo pagpupunta kayo ng Ilaya, Sto. Cristo, Haboneros, Carmen Planas at Tabora, makikita niyo nandun na naman sila. Same thing Quiapo, non negotiable ang Carriedo per pag tiningnan mo sa Hidalgo, Villalobos, okay naman. 


Katulad halimbawa ng Plaza Miranda, sabi ko dun sa PCP Commander, si Major, sabi ko non negotiable yung plaza square kasi yung spill ng mga magsisimba, ayoko sila nag-iispill sa Quezon Avenue at Quezon Boulevard, kasi yung Quezon Boulevard medyo Thoroughfare kasi baka magkaaksidente kasi dati doon na nga nag-iispill ang mga tao tuwing Byernes. O ngayon, nag-isspill so san namin nilagay ngayon ang mga Vendors? So dun lang sila sa may gilid ng Square so nakapaghanapbuhay naman sila."

Senator Imee Marcos:  So Mayor, sa tingin mo, ilan dapat ang iaccomodate talaga? May bilang na ba yan?

Mayor Isko Moreno : More or less, we are talking of about easily 5 to 7 thousand.

Senator Imee Marcos: Ilan dyan ang maaaccomodate mo at balak mong iaccomodate on a permanent basis?

Mayor Isko Moreno : It will never be permanent Madam because these are streets, this what we called by tolerance and by compassion.

Senator Imee Marcos : So tiisan lang tayo?

Mayor Isko Moreno : Parang nagbabalanse ka lang ng ano, akala ko ba beyond the commerce of men ih bakit ito kalye. So we are trying to govern in such a way... this is general public and this is for some... mahihirap nating kababayan but along the way, Chairman Lim, we have been talking about making available space with regards to available space if the senate or other department which we have to talk to DENR. Yung mga creek namin, these are spaces, sa mga makabagong bansa, sa mga bagong mauunlad na bansa, creek are being utilized as a space, whether bring space, parking space

Senator Imee Marcos : or even temporary space for commerce.

Mayor Isko Moreno :  yeah! Yan po madam Senator, napakaganda po ng idea ninyo kung saan sa Makati nga nagawa nila ih. Ngakaron pa nga ng sinehan ang creek. So baka pwede naman sa Maynila, pwede naman kami mangopya. sa tingin naman namin ay napapakinabangan naman.



What do you think of Mayor Isko Moreno idea? 



No comments:

Post a Comment