Hindi na natin iisa-isahin kung ano nga ba ang nakasulat sa batas dahil maliwanag pa sa sikat ng araw ang mga sumusunod na nangyayari araw-araw.
1. Ninakaw na pondo para sa mga proyekto ng Gobyerno
2. Dumarami ang sasakyan. may Kotse nga, wala naman parking.
3. Dumarami ang populasyon. Siksikan sa isang lugar ang mga tao.
4. Ang trabaho ay nakasentro lang sa Maynila at karatig probinsya.
5. Minimum wage na mas mataas sa Maynila at mababa sa probinsya.
6. Parehas na presyo ng mga bilihin sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
7. Mga Unibersidad na nasa NCR halos lahat.
8. Sabay-sabay na pag-labas ng mga tao sa mga establisyemento at trabaho.
9. Hindi Maayos na pagpapatupad ng batas Trapiko.
10. Mga mamayang pasaway at walang disiplina.
11. Mga corrupt na law enforcers.
12. Hindi paggamit ng alloted pedestrian lane at over/under pass.
13. Corrupt ng mga mamayan mismo.
14. "Bahala ka jan" mentality ng mga Pilipino.
15. Lay out ng Parking, loading at unloading area ay mali.
16. Mga drayber na pasaway.
17. Mga sasakyang luma ay tuloy pa din na ginagamit.
18. Kakulangan sa Metro Train Transport.
19. Privatized Public Traport.
20. Walang modernized subway system.
Panoorin kung paanong ang isang ambulance ay natrap sa traffic dahil sa mga pasaway na motorista. Kung ganito nang ganito, malamang, walang silbi na ang ambulansya at mamatay ang pasyente.
Isa-isahin natin yan sa susunod na artikulo. Kung meron kayong dagdag or ibawas, maaring mag-iwan ng komento.

No comments:
Post a Comment